Skip to main content

Si Nanay Pag-uwi sa Bahay

Ano bang dapat unahin sa pagtuntong sa bahay galing sa trabaho? Sa dami ng dapat gawin, sa bawat sulok ng bahay na nakikita may kailangang gawin. Para kang sirang compass na walang tigil ang  kamay sa kakaikot. Literal na nakakahilo. Pero napansin mo ba na kapag lalo kang nataranta nauubos ang oras, ang malungkot wala kang nagawa kahit isa.

Isa sa sandata ng nanay para makatapos ng trabaho sa bahay ang invisible checklist sa utak niya. Pwede itong gawin habang nasa biyahe, kahit nakatayo sa lrt o stuck sa traffic. Ang checklist ay evaluation ng kung ano ang hindi nagawa bago umalis sa bahay para pumasok sa trabaho. Effective ang konsiderasyon sa tanong na ANO ANG PINAKAUNANG KAILANGAN NG PAMILYA? sa pagsasaayos ng mga dapat gawin, alin ang uunahin at ihuhuli.  Narito ang ilan sa maaaring sundan...


  • Unahin munang ayusin ang sarili, kung ayaw mong madissapoint ka s itsura mo pagkatapos ng gagawin.
  • Isalang ang mgs pwedeng iiwan katulad ng sinaing sa rice cooker, ulam na kailangang palambutin o pagbababad ng lalabhang damit sa sabon.
  • Gawin na ang pagwawalis, pagliligpit ng kalat. Mas maayos na paligid mas maganda ang takbo ng pag-iisip.
  • Harapin na ang pagluluto ng ulam para sa hapunan. 
  • I-set up ang hapag kainan habang hinihintay ang kapamilya.
  • Balikan ang labahin pagkatapos kumain.
  • Kung may maliliit na bata, ihanda sila sa pagtulog.
  • Maaaring matulog nang maaga at gumising nang maaga(tulog pa ang lahat) para sa take home office work related o pagkatulog ng lahat, maglaan ng kaunting oras para sa trabahong iniuwi.


Kailangang maging directed ang nanay ng kung ano ang dapat na gawin para makatapos ng trabaho. Kapag maraming nagawa payapa ang isip. Yan si Nanay!
facebookgoogle.com twitter.com yahoo.comwattpad.com

Comments